Isang panibagong awitin na naman ang tiyak na magpapailaw sa inyong playlist ngayong Pasko!
Muling naglabas ng kanta ang Reverb Worship na pinamagatang “Liwanag,” na inawit nina Hazel Faith at Caleb Santos.
Ang makabag-damdaming awitin ay may layuning imbitahin ang bawat isa na bumalik sa puso at diwa ng Pasko na si Hesus, ang liwanag ng mundo. Hinihikayat nito ang mga tagapakinig na hayaan ang Diyos ang manahan at magliwanag sa kanilang mga buhay.
Opisyal na inilabas ang “Liwanag” noong November 28, kasabay ng naganap na Reverb Worship Resonate: A Christmas Carol for a Cause.
ADVERTISEMENT
Ang bagong awit na ito ay available na sa lahat ng music digital platforms para maging bahagi ng inyong pagdiriwang ngayong Kapaskuhan. (Benedict Quejado/News Light)

