Good NewsLatest News

Nikki Buenafe Cheveh, wagi sa Face of Beauty International 2025 | News Light

Back-to-back ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Face of Beauty International pageant matapos makoronahan ang ating pambato na si Nikki Buenafe Cheveh.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Back-to-back ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Face of Beauty International pageant matapos makoronahan ang ating pambato na si Nikki Buenafe Cheveh.

Pinalitan niya si Jeanne Isabelle Bilasano, na nagbigay ng kauna-unahang korona para sa bansa noong nakaraang taon.

Nakuha naman ni Lucy Dimitrova ng Sweden ang first runner-up, sinundan ni Julia Podkolina ng Finland bilang second runner-up, habang sina Jing Mun Phan ng Malaysia at Suppanika Nopparat ng Thailand ang nagtapos bilang third at fourth runner-up.

Ayon kay Cheveh, ang kanyang adbokasiya na dating nakatuon sa edukasyon ay lumawak na upang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng komunidad, kabilang ang suporta para sa mga PWD at mga batang may espesyal na pangangailangan, at nakikipagtulungan din siya sa Red Cross.

What do you feel about this article?