Ipinababasura na ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga kaso ng korapsyon laban sa kanya na gumugulong sa nakalipas na 6 na taon.
Si Netanyahu ay inaakusahan ng korapsyon noong 2019 matapos umano siyang tumanggap ng 260,000 dollars na halaga ng sigarilyo, alahas, at alak na donasyon ng mga bilyonaryo, kapalit umano ng political favor.
Ayon kay Netanyahu, dapat nang ibasura ang corruption charges laban sa kanya dahil politically motivated ito dahilan para magkawatak-watak ang Israel.
Pero naniniwala si opposition leader Yair Lapid na dapat mapanagot ang Prime Minister at magretiro na sa politika.
ADVERTISEMENT
Suportado ni US President Donald Trump ang pagbabasura ng corruption charges laban kay Netanyahu.

