PoliticsLatest News

Baha sa Luneta 2.0 at Trillion Peso March 2 protests kontra korapsyon, isinagawa | News Light

Sabay na idinaos ang Trillion Peso March 2.0 sa People Power Monument sa EDSA at Baha sa Luneta 2.0 sa Luneta kahapon.

Newslight · · 1 min read

Sabay na idinaos ang Trillion Peso March 2.0 sa People Power Monument sa EDSA at Baha sa Luneta 2.0 sa Luneta kahapon.

Sinimulan sa Liwasang Bonifacio ang paunang programa ng Baha sa Luneta 2.0 bago magmartsa ang mga raliyista patungong Luneta.

Hila naman ang korap-Kadille effigy, ipinagpatuloy dito ng mga raliyista ang kanilang mga hinaing sa pamamagitan ng pagsira nito pagkarating ng Mendiola at sinara sa pagkanta ng “Bayan Ko.”

Dagdag naman ni Akbayan Rep. Chel Diokno, utang ng pamahalaan ang Anti-Political Dynasty Bill na sisingilin ng sa kanila ng taumbayan.

ADVERTISEMENT

Naging mapayapa ang pagtatapos ng mga kilos-protesta sa Maynila, ayon naman kay DILG Secretary Jonvic Remulla. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?