PoliticsLatest News

Akbayan, naniniwalang may public ‘confidence crisis’ ang Kongreso | News Light

Naniniwala si Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña na nahaharap sa malaking public confidence crisis ang Kamara.

Ace Cruz · · Updated · 1 min read

Naniniwala si Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña na nahaharap sa malaking public confidence crisis ang Kamara.

Ito’y matapos ibunyag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nasa 10 percent ng 318 miyembro ng House ang iniimbestigahan dahil sa umano’y sangkot sa flood control controversy.

Giit ni Cendaña, dapat magdoble-kayod ang Kamara at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para mabawi ang tiwala ng publiko at maisulong ang mahahalagang reporma.

Samantala, binanatan din ni Cendaña ang mga sumusubok na magkaroon ng civil-military junta lalo’t delikado ito sa isang demokratikong bansa na maaaring mauwi sa destabilisasyon.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?