News LightLatest News

Sen. Villanueva, kinuwestiyon ang DOTr sa pagdami ng pribadong sasakyan at kulang na daan | News Light

Pinuna ni Sen. Joel Villanueva ang dumaraming private vehicles at kakulangan ng mga dadaanan.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Pinuna ni Sen. Joel Villanueva ang dumaraming private vehicles at kakulangan ng mga dadaanan.

Aniya, ano ang gagawin ng Department of Transportation (DOTr) gayong walang bagong kalsada ngunit halos 1.5 million na sasakyan ang nadagdag.

Ang pasaring ng senador ay kaugnay ng lumalalang traffic, partikular sa kahabaan ng EDSA, at mistulang pagiging parking lot na di umano ang mga kalsada dahil sa dami ng mga sasakyan.

Binigyang-diin din ng senador ang paghihirap ng mga komyuter habang hinahayaan ibang investors na magbenta ng sasakyan ngunit walang sapat na plano para sa kalalagyan ng mga ito.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, isinusulong ngayon ng senador ang “No Parking, No Car Policy” na lilimita sa mga tao na huwag bumili ng sasakyan kung wala ring mapaparkingan.

What do you feel about this article?