PoliticsLatest News

Sandiganbayan, pinasusumite si Sen. Estrada ng travel documents sa Disyembre hanggang Enero 2026 | News Light

Inutusan ng Sandiganbayan 5th Division si Senator Jinggoy Estrada na magpasa ng kumpletong requirements para sa kanyang hinihiling na pagbiyahe sa abroad.

Giselle Crazo · · 1 min read

Inutusan ng Sandiganbayan 5th Division si Senator Jinggoy Estrada na magpasa ng kumpletong requirements para sa kanyang hinihiling na pagbiyahe sa abroad.

Binigyan ng limang araw ni Associate Justice Gener Gito ang kampo ni Estrada para isumite ang itinerary, hotel booking, authority to travel, at affidavit of undertaking.

Nauna nang naghain ng mosyon si Estrada para payagan siyang magtungo sa Japan mula December 26 hanggang 31 at sa Norway, Iceland, at Austria mula January 5 hanggang 15.

Tutol naman ang prosecution na iginiit na kasama si Estrada sa Immigration Lookout Bulletin Order kaugnay ng umano’y flood control anomaly habang dumalo si Estrada sa hearing gamit ang video conference, lalo’t nananatili siya na may kinakaharap na plunder at graft charges dahil sa umano’y pag-abuso sa PDAF.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?