Handang humarap at makipagtulungan si House Majority Leader Sandro Marcos sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) kaugnay sa mga isyu ng korapsyon sa maanomalyaang flood control projects.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sandro Marcos na walang hindi nasasakupan ng batas kahit na anuman ang posisyon sa lipunan at kung sinuman.
Aniya, wala siyang tinatago at handa siyang sumailalim sa imbestigasyon ng ICI sa lalong madaling panahon.
Giit pa ni Marcos, bukas siyang mausisa, at handa siyang makipagtulungan sa anumang paglilinaw sa anumang kinasasangkutan na isyu.

