News LightLatest News

PBBM, umaasang bubuti ang ekonomiya ng bansa sa 2026 | News Light

Sa kabila ng bumagal na paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon — dahil sa pag-ilag ng mga investors buhat ng korapsyon — tiwala si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.…

Newslight · · 1 min read

Sa kabila ng bumagal na paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong taon — dahil sa pag-ilag ng mga investors buhat ng korapsyon — tiwala si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makaka-recover 2026 at makakabalik naman sa target range sa 2027 ang ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Presidential Communication Office (PCO), sumadya si Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli Remolona at iba pang opisyal sa Malacañang upang i-review ang October 2025 Monetary Policy Decision at estado ng pambansang ekonomiya.

Bumaba umano ng 1.7 percent ang inflation, kasama na ang negative 0.4 percent para sa 30 porsyento ng mga pamilya — dahilan para ibaba ang policy rate sa 4.75 percent na lamang upang mas madaliang makautang ang mga pamilya’t negosyo.

Mabagal man umanong progreso ito, makakaahon naman ang ekonomiya ng bansa sa susunod na taon at babalik sa target range sa 2027.

ADVERTISEMENT

Sa 2026, inaasahan naman ang 3.1 percent na inflation, na bababa pa umano ng 2.8 sa 2028.

Matatandaang ipinagkibit-balikat ni Marcos ang naaapektuhang investor confidence dahil sa korapsyon sa pamahalaan at gawa lamang umano ito ng mababang palitan ng piso-kontra-dolyar at “global headwinds.” (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?