SportsFeatured

Makasaysayang pagtitipon ng pickleball players at enthusiasts sa Pilipinas, masasaksihan ngayong weekend | News Light

Ngayong weekend na ang pinakahihintay ng pickleball fans — ang World Pickleball Congress Manila 2025, na makasaysayang pagtitipon ng mga pickleball players at enthusiasts mula sa iba't ibang panig ng…

Jomar Villanueva · · Updated · 1 min read

Ngayong weekend na ang pinakahihintay ng pickleball fans — ang World Pickleball Congress Manila 2025, na makasaysayang pagtitipon ng mga pickleball players at enthusiasts mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang 4-day event ay gaganapin sa EDSA Shangri-La mula bukas, November 29 hanggang Martes, December 2.

Inaabangan na nga ang tunggalian ng pinakamagagaling na players sa street pickleball na gaganapin sa Emerald Avenue sa Ortigas Center, Pasig City.

Layon ng event na ilapit sa puso ng mas maraming Pinoy ang pickleball.

ADVERTISEMENT

Isa itong sports na pinaghalo ang elements ng badminton, tennis, at table tennis.

Ayon kay Philippine Pickleball Federation Chairman Mike Johnson, nais nilang makilala ang pickleball bilang official Olympic sport.

What do you feel about this article?