PoliticsLatest News

Zaldy Co, tinangka umanong mang-blackmail sa administrasyon dahil sa kanselasyon ng kaniyang passport ayon kay PBBM | News Light

Sinabing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinangka umano’y i-blackmail ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang administrasyon para huwag kanselahin ang kanyang passport.

Newslight · · 1 min read

Sinabing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinangka umano’y i-blackmail ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co ang administrasyon para huwag kanselahin ang kanyang passport.

Sa isang recorded message, sinabi ng Pangulo na nilapitan ang administrasyon ng abogado ni Zaldy Co para mag-blackmail na kung hindi raw kakanselahin ang passport ni Co, hindi na rin siya maglalabas ng video.

Dagdag pa ng Pangulo, hindi siya nakikipag-negotiate sa mga kriminal at makakakansela pa rin ang passport ni Co kahit ano pang kasinungalingan ang ilabas niya.

Natatandaan nitong November 13 ay iginiit ng Pangulo na kakanselahin ang passport ni Co sa lalong madaling panahon kapag naisampa na ang mga kaso. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?