PoliticsLatest News

Zaldy Co, may panibagong video; sangkot umano si First Lady Liza Araneta Marcos | News Light

Naglabas muli kahapon ng video si dating Ako Bicol representative Zaldy Co tungkol sa korapsyon sa administrasyong Marcos, at ngayon ay idinawit niya sa flood control scandal si First Lady…

Newslight · · 2 min read

Naglabas muli kahapon ng video si dating Ako Bicol representative Zaldy Co tungkol sa korapsyon sa administrasyong Marcos, at ngayon ay idinawit niya sa flood control scandal si First Lady Liza Araneta Marcos.

Sa video, binanggit niya ang umano’y pagkakasangkot ng kapatid ng First Lady na si Martin Araneta, na naiuugnay kay Michael Ma ng China-Philippine United Enterprises, na sinasabing konektado sa smuggling at manipulasyon ng presyo.

Ayon kay Co, pinahinto ni dating Speaker Martin Romualdez ang imbestigasyon matapos madawit ang kapatid ng First Lady.

Idinagdag pa niya na noong Abril 2023 ay nagbigay siya ng babala kay Romualdez tungkol sa pagtaas ng presyo ng bigas, na maaari umano’y umabot sa ₱55–60 kada kilo—halagang malapit na raw ngayon.

ADVERTISEMENT

Sinabi rin ni Co na habang iniimbestigahan ito ng Quinta Committee, bigla itong ipinatigil ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel matapos ipag-utos ng Pangulo, ayon kay House Majority Leader Sandro Marcos, dahil nadadamay ang First Lady. Giit ni Co, kasama pa ng First Lady noon ang rice investors mula Vietnam, dahilan ng sigalot sa pagitan nina Sandro Marcos, Romualdez, at Laurel.

Wala pang pahayag sina First Lady Liza Araneta Marcos, Rep. Sandro Marcos, dating Speaker Romualdez, at kapatid ng First Lady na si Ricky Araneta. Samantala, binansagan naman ni DA Secretary Laurel na “parang Netflix series” ang mga paratang ni Zaldy Co. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?