Pahayag ni VP Sara Duterte na handa na umano siyang mamuno bilang pangulo, isang ‘destabilization’ ayon sa Palasyo | News Light

📅

Tinawag ng Malacañang na “political destabilization” ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na handa siyang mamuno kung mag-resign si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang chance video interview sa Davao kamakailan, sinabi ni VP Sara na “walang tanong” sa kanyang paghahanda na palitan ang pangulo “kung kakailanganin.”

Binigyang-diin ni Communications Undersecretary Claire Castro na hindi katanggap-tanggap na ang isang bise presidente ay naga-anticipate ng resignation ng pangulo kaya ito’y malinaw, aniyang isang uri ng destabilisasyon.

Ani pa ni Castro, pinapahina niya ang public confidence at nagdudulot ang mga salita ni VP Sara ng climate of uncertainty at crisis.

ADVERTISEMENT

Habang iginiit naman ng palasyo na walang dapat ikabahala sa kakayahan ni PBBM na gampanan ang tungkulin sa kabila ng mga isyu ng korapsyon.