Bagyong Verbena, nanatiling malakas habang kumikilos sa West Philippine Sea | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nanatili ang lakas ng severe tropical storm Verbena habang ito ay kumikilos pakanluran sa West Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility ngayong gabi o bukas nang umaga.

Naitala ang pinakamalakas na hanging aabot sa 95 km/h at bugso hanggang 115 km/h, habang nasa 215 km hilaga-hilagang silangan ng Pag-asa Island ang lokasyon nito.

Itinaas naman ang Signal No. 1 sa Kalayaan Islands dahil sa banta ng malalakas na hangin.

ADVERTISEMENT

Patuloy ding makararanas ng maalong karagatan at matitinding pagbugso ng amihan ang ilang bahagi ng Luzon, kaya pinapayuhan ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang-dagat na huwag munang pumalaot.