WeatherLatest News

Bagyong Verbena, lalong lumalakas habang kumikilos sa Philippine Sea | News Light

Lalong lumakas ang Tropical Storm Verbena habang kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa Philippine Sea, ayon sa pinakahuling tropical cyclone bulletin ng PAGASA.

Dawn Pamulaya · · Updated · 1 min read

Lalong lumakas ang Tropical Storm Verbena habang kumikilos ito pa-kanlurang hilagang-kanluran sa Philippine Sea, ayon sa pinakahuling tropical cyclone bulletin ng PAGASA.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 130 km kanluran ng Coron, Palawan, taglay ang lakas ng hanging umaabot sa 85 km/h at bugso na hanggang 105 km/h.

Nananatiling nakataas ang Signal No. 2 sa Calamian Islands at ilang bahagi ng Hilagang Palawan, habang nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang Occidental Mindoro at iba pang bahagi ng Palawan.

Nagbabala rin ang Pagasa ng mapanganib na paglalayag dahil sa napakataas na alon sa mga baybaying-dagat ng Hilagang Luzon at kanlurang bahagi ng Southern Luzon.

ADVERTISEMENT

Patuloy namang inaasahan ang posibleng pag-intensify ng bagyo ngayong hapon bago ito tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility bukas.

What do you feel about this article?