
Pinangunahan ni Pangulo Ferdinand R. Marcos Jr. ang inspeksyon sa Ning*Ning 6.55 MWp solar rooftop facility sa Pasinayan Homes Prime Central, Naic, Cavite, kaninang umaga.
Bahagi ito ng suporta sa Green Energy Auction Program (GEA-4) ng Department of Energy, Renewable Portfolio Standards, at Sustainable Finance Framework para palawakin ang clean energy sa bansa.
Itinatag ng Joy~Nostalg Group sa pamamagitan ng Jin Navitas Solaris Inc. (SOLARIS) at Raemulan Lands, Inc., ang Ning*Ning ang kauna-unahang grid-connected, at utility-scale solar rooftop, gamit ang rooftops ng 1,986 pamilya na may kabuoang 11,916 solar panels.
Ang kuryente ay ipinapadala sa MERALCO, may net export capacity na 4.95 MWac (megawatt alternating current), at kayang mag-generate ng 9,182 MWh (megawatt hour) taun-taon, sapat para sa higit 7,900 kabahayan.
ADVERTISEMENT
Bukod sa energy production, sinusuportahan ng proyekto ang community programs tulad ng roof maintenance, street lighting, waste management, shared solar facilities, at capacity-building para sa mga residente.
Makatutulong din ito sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas ng 6,233 metric tons ng COโ emissions kada taon.



