Ilang miyembro ng House of Representatives kabilang na ang mula sa Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) ang muling nagpahayag ng suporta para sa pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.
Ito ay sa gitna ng usap-usapan na magkakaroon ng pagbabago sa liderato ng Kamara.
Inilabas kahapon ng PCFI ang manifesto na nagsasaad ng kanilang suporta sa House Speaker at pagkilala sa anila’y pagsisikap nito para sa Kamara.
Kinilala ng koalisyon, na binubuo ng 44 na miyembro, ang pagsusulong ni Dy ng diyalogo at pagbabawas nito ng tensyon sa pagitan ng mga miyembro ng House of Representatives.
ADVERTISEMENT
Noong nakaraang linggo, naglabas rin ng manifesto ang Northern Luzon Alliance para ipahayag ang suporta kay Dy.

