
Dinakip ng Cavite Police ang isang 21-anyos na rider matapos umanong tangkaing sagasaan ang isang pulis at banggain ang isang police mobile habang tumatakas sa checkpoint sa Brgy. Biwas, nito lamang Sabado.
Kinilala ni PLTCOL Joven Bahil, Hepe ng Tanza MPS, ang suspek sa alyas “J,” na hinabol ng mga pulis matapos hindi huminto sa routine inspection sa Amaya Junction, Brgy. Amaya I.
Sa habulan, sinubukan umano niyang banggain ang isang pulis at kalaunan ay sumalpok sa harapang bahagi ng mobile patrol.
Narekober mula sa compartment ng motorsiklo ang isang cal. 38 revolver na walang serial number at may dalawang bala.
ADVERTISEMENT
Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang suspek at angkas nito at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
Ihahain laban sa suspek ang mga kasong Damage to Property, Direct Assault at paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.

