Iginiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi nila gagamitin ang affidavit ng “surprise witness” na si Orly Guteza kung hindi ito personal na haharap at manunumpa sa kanilang opisina.
Ayon kay Remulla, kailangang kumpirmahin ni Guteza sa harap ng Ombudsman na siya mismo ang gumawa at may personal na kaalaman sa nilalaman ng affidavit.
Sinabi rin ng Ombudsman na maghahanap sila ng iba pang testigo at ebidensya para sa imbestigasyon laban kina Rep. Martin Romualdez at dating Rep. Zaldy Co sa umano’y flood control anomaly.

