Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pag-iinspeksyon sa mga paliparan tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bunsod ng paparating na holiday season.
Nag-ikot si DOTR acting secretary Giovanni Lopez sa NAIA Terminal 3 kung saan nakita niya ang patuloy na pag-develop ng New NAIA Infra Corp ng mga pasilidad sa paliparan upang mabigyan ng maayos na serbisyo ang mga pasahero na lilipad sa terminal.
Ininspeksyon din ng DOTR ang Office for Transport Security upang matiyak ang seguridad ng mga pasahero sa kahit ano mang uri ng mga panganib.
Ayon sa ahensya, ito ay simula pa lamang ng kanilang pag-iikot at asahan pa na lilibutin ang ibang mga airport terminals at maging ang ibang mga transport terminal sa mga susunod na araw. (Austin Gonzaga/News Light)

