Good NewsFeatured

Dionela’s “The Grace Tour” concert, umani ng matinding ingay sa social media | News Light

Dinagsa ng mga tagasuporta ang naganap na 2-day first major solo concert ng OPM singer-songwriter na si Dionela nitong November 21 at 22.

Newslight · · Updated · 1 min read

Dinagsa ng mga tagasuporta ang naganap na 2-day first major solo concert ng OPM singer-songwriter na si Dionela nitong November 21 at 22.

Niyanig ng musika at sigawan ang New Frontier Theater at ito ay nagbigay ng isang di-malilimutang music experience sa mga fans.

Hindi lamang mga hit songs ang pumukaw sa damdamin ng manonood! Dahil matapos niyang awitin ang ‘Bahaghari’, nagkaroon ng marriage proposal si Dionela sa kanyang longtime partner na si Meizy!

Bukod sa karaniwang OPM songs, ramdam na ramdam ang presensya ng Panginoon habang nagbahagi si Dionela ng mga awit ng pananampalataya.

Mas naging espesyal ito dahil nakasama niya ang iba pang kilalang Christian OPM artists gaya nina Project Romeo, John Roa, at Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT

Ang kinita ng ‘The Grace Tour’ concert ay mapupunta naman sa mga biktima ng mga nakaraang bagyo.

Ang ‘The Grace Tour’ ay hindi lamang naging matagumpay, kundi naging inspirasyon din. Sa pamamagitan ng kanyang musika, pinatunayan ni Dionela na ang sining ay maaari magbigay ng pag-asa. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?