Arestado ang 20 marinong Pilipino sa Nigeria matapos mahulihan ng nasa 20 kilong droga habang papunta sa Lagos mula Brazil.
Sa ginanap na drug bust, nakuha ng National Drug Law Enforcement Agency ng Nigeria ang top-grade cocaine mula sa ilalim ng isang Panama-registered na barko.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Nigeria ang all-Filipino crew na nahuli sa drug bust para sa mas malalim na imbestigasyon.
Wala pang pahayag ang mga kinauukulang ahensya sa bansa hinggil sa kinakaharap ng mga Pilipinong tripulante.

