Hindi magbibitiw bilang DepEd Secretary si Sonny Angara sa gitna ng kumakalat na alegasyon na nakinabang umano siya sa maanomalyang flood control projects.
Ito’y matapos igiit ng Malacañang na hindi siya kailangang magpasa ng courtesy resignation, lalo na kung malinis siya.
Sa isang Pasig City event, diretsang sinabi ni Angara na “hearsay” o tsismis lamang ang mga bintang at walang konkretong ebidensya o specific na transaksyon na iniuugnay sa kanya.
Aniya, ibabasura lamang ito ng korte.
ADVERTISEMENT
Uminit ang isyu nitong linggo matapos ianunsyo ng Palasyo ang umano’y “voluntary resignations” nina Executive Secretary Lucas Bersamin at Budget Secretary Amenah Pangandaman matapos maisama ang kanilang mga pangalan sa listahan sa umano’y mga politikong nangialam sa 2025 national budget para sa kickback projects.



