Iginiit ni Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte na dapat imbestigahan ng Kamara ang mga umano’y “nakakabahalang” alegasyon ni resigned Ako Bicol Rep. Zaldy Co laban kina Pangulong Bongbong Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Inihain ni Pulong Duterte ang House Resolution 488 para humiling ng legislative probe sa umano’y ₱100 billion na insertions sa 2025 national budget na sinasabing utos umano ni Marcos at pinahintulutan ni Romualdez.
Kabilang sa mga bintang ang umano’y 25 percent kickback para sa Pangulo at pagdadala umano ng malalaking maleta na may laman na pera sa bahay ni Romualdez at sa Malacañang.
Giit ni Duterte, hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang lakas at detalye ng mga alegasyon na ito.
ADVERTISEMENT
Nais din ng mambabatas na ipatawag sa pagdinig ang mga opisyal ng DPWH, Office of the President, DBM, at si Co para linawin ang mga paratang.

