Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palalakasin pa ng pamahalaan ang suporta para sa mga atletang Pilipino upang makalikha ng mas maraming international champions.
Sa muling pagbubukas ng Philsports Complex sa Pasig, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng kompletong paghahanda ng mga atleta — mula sa tamang pahinga, nutrisyon, pagsasanay, hanggang sa sports medicine para sa mga injury.
Ayon sa kanya, mahalaga ang sports hindi lamang sa paghubog ng disiplina at magandang asal ng kabataan kundi pati sa pagkakaisa ng bansa, na aniya’y nakita sa tagumpay nina Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, at Carlos Yulo.
Sinabi rin ng Pangulo na inatasan ang DepEd na mas isama ang sports activities sa kurikulum upang mahikayat ang kabataan na magkaroon ng aktibong pamumuhay.
ADVERTISEMENT
Tiniyak niya na mananatiling kaagapay ang gobyerno upang masiguro na handa ang mga atletang Pilipino saanman sila magtungo upang makipagkompetensya.

