WeatherLatest News

ITCZ, shear line at amihan patuloy na nakaapekto sa bansa | News Light

Patuloy na nakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang intertropical convergence zone (ITCZ), shear line, at northeast monsoon o amihan, ayon sa 24-hour public weather forecast na inilabas ng…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Patuloy na nakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang intertropical convergence zone (ITCZ), shear line, at northeast monsoon o amihan, ayon sa 24-hour public weather forecast na inilabas ng PAGASA.

Nagdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang ITCZ sa Davao Region, Caraga, Soccsksargen, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Palawan.

Sa northern Luzon, partikular sa Cordillera, Cagayan Valley at Aurora, posibleng magdulot ng pagbaha at landslides ang shear line dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Inaasahang makararanas ng maulap na panahon na may pag-ulan ang Quezon at Camarines Norte dahil sa easterlies.

ADVERTISEMENT

Samantala, patuloy na umiiral ang amihan sa Batanes at Ilocos Norte na magdudulot ng maulap na kalangitan at mga pag-ulan, habang ang karamihan sa Mindanao at Metro Manila ay makararanas ng paminsan-minsang thunderstorms.

What do you feel about this article?