News LightLatest News

Fuel surcharge sa mga paliparan, nanatili sa level 4 hanggang Disyembre | News Light

Mananatili sa level 4 ang fuel surcharge ng mga paliparan hanggang sa buwan ng Disyembre.

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Mananatili sa level 4 ang fuel surcharge ng mga paliparan hanggang sa buwan ng Disyembre.

Sa ilalim ng level 4, nasa ₱117 hanggang ₱342 ang surcharge para sa mga domestic flight, habang umaabot naman sa ₱385.70 hanggang ₱2,867.82 para sa mga international flight depende sa distansya.

Ang fuel surcharge ay karagdagang bayad na sinisingil ng mga airline upang mabawi ang gastos mula sa pabago-bagong presyo ng gasolina.

What do you feel about this article?