RegionalLatest News

Bala ng baril na ginawang agimat, nasabat sa Calbayog Airport | News Light

Nasabat ang 28 na mga bala ng baril na umano’y “agimat” o anting-anting ng isang pasahero sa Calbayog Airport sa Samar kahapon.

Newslight · · 1 min read

Nasabat ang 28 na mga bala ng baril na umano’y “agimat” o anting-anting ng isang pasahero sa Calbayog Airport sa Samar kahapon.

Ayon sa mga security screening officers ng Office for Transportation Security (OTS), hinarang nila ang isang pasahero na dapat papunta ng Cebu via Cebu Pacific flight number DG 6547 kung saan dumaan ito sa screening checkpoint ng Calbayog Airport, nang mapansin ang kahina-hinalang gamit na nakikita sa kanilang X-ray monitor na mga bala ng baril.

Ininspeksyon ito kaagad ng PNP Aviation Security Group at nakita ang 28 piraso ng mga bala na nakabalot sa isang leather cloth.

Ayon naman sa pasahero, ito ay isang agimat o anting-anting upang maprotektahan sa kung anumang mga panganib sakaling bumiyahe at pumunta kung saan ang isang indibidwal na may dala nito.

ADVERTISEMENT

Kinumpiska naman ng OTS ang mga bala ng hindi pinangalanang pasahero at nakalipad ito papuntang Cebu.

Binigyang-diin naman ng OTS na huwag magdala ng mga gamit na ipinagbabawal upang hindi maabala sa kanilang pag-alis. (Austin Gonzaga/News Light)

What do you feel about this article?