News LightFeatured

‘Baha sa Luneta 2.0’: Malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon sa November 30, kasado na | News Light

Kasado na sa November 30 ang ikalawang malawakang kilos-protesta sa Luneta at iba pang lugar sa bansa upang ipakita ang pagkundena sa korapsyon sa pamahalaan.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Kasado na sa November 30 ang ikalawang malawakang kilos-protesta sa Luneta at iba pang lugar sa bansa upang ipakita ang pagkundena sa korapsyon sa pamahalaan.

Pormal na inanunsyo ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) noong Miyerkules ang pagsasagawa ng “Baha sa Luneta 2.0” rally na magsisimula ng alas-9 ng umaga.

Paniniwala ng grupo, hindi kikilos ang Malacañang kung hindi dahil sa sunod-sunod na kilos-protesta at ilan pang gawain upang kalampagin ito.

Ngunit panawagan ng KBKK, hindi lamang iilang pangalan ang dapat panagutin, dapat aniyang managot ang lahat ng sangkot at mabago ang bulok na sistema ng pamamahala.

ADVERTISEMENT

Kaya hinihikayat nilang makilahok ang lahat ng sektor gaya ng mga kabataan, propesyonal, magsasaka, maging mga taong simbahan upang ipahayag ang hinaing sa nangyayaring korapsyon.

Bago ito, magsasagawa ng Black Friday protest sa November 21 sa iba’t ibang lugar gaya ng Mendiola at Rotonda.

What do you feel about this article?