InternationalFeatured

2 nasawi sa pamamaril sa simbahan sa Nigeria; pastor at ilang worshipper, dinakip | News Light

Dalawa ang nasawi at nadakip pa ang pastor at ilang mga worshipper sa isang simbahan sa Eruku, Central Nigeria matapos itong atakihin ng ilang armadong indibidwal noong Martes ng gabi.

Carlene Latuna · · Updated · 1 min read

Dalawa ang nasawi at nadakip pa ang pastor at ilang mga worshipper sa isang simbahan sa Eruku, Central Nigeria matapos itong atakihin ng ilang armadong indibidwal noong Martes ng gabi.

Nakuha sa livestream ng simbahan ang aktwal na pag-atake ng mga armadong lalaki habang nagsasagawa ng church service.

Ayon sa pulis, namataan nila ang isa sa biktima sa loob ng simbahan at ang isa pa sa damuhan.

Maliban dito, kinuha rin ng mga suspek ang gamit at ilan pang pagmamay-ari ng mga attendee.

What do you feel about this article?