PoliticsLatest News

PH Navy, muling itinanggi na hawak nila si Orly Guteza | News Light

Muling iginiit ng Philippine Navy na wala sa kanilang kustodiya ang “surprise witness” ni Senador Rodante Marcoleta na si retired Sergeant Orly Guteza.

Carlene Latuna · · 1 min read

Muling iginiit ng Philippine Navy na wala sa kanilang kustodiya ang “surprise witness” ni Senador Rodante Marcoleta na si retired Sergeant Orly Guteza.

Ito ay kasunod ng alegasyon ni dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor na hawak ng Naval Infantry Force Intelligence Unit si Guteza.

Sa press briefing, itinanggi ni Navy spokesperson Captain Marissa Martinez ang akusasyon ni Defensor at tinawag itong pawang ispekulasyon lamang.

Dagdag niya, ito ay “unfounded, unsupported by evidence, and have no basis in fact.”

Nanindigan ang Philippine Navy na nirerespeto nila ang konstitusyon, ang constitutional processes, kabilang ang mga isinasagawang imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

Matatandaang humarap si Guteza sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noong September 25 at iginiit sa kanyang sinumpaang salaysay na nag-deliver siya ng mga maleta ng pera kila resigned Ako Bicol Representative Zaldy Co at dating House Speaker Martin Romualdez.

What do you feel about this article?