News LightLatest News

Ombudsman, naghain ng malversation at graft cases vs. Zaldy Co at iba pa sa umano’y ₱289-m ghost flood control project | News Light

Naghain ng mga kasong malversation at graft ang Office of the Ombudsman laban kay dating Congressman Zaldy Co, Sunwest Inc., at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways…

Giselle Crazo · · 1 min read

Naghain ng mga kasong malversation at graft ang Office of the Ombudsman laban kay dating Congressman Zaldy Co, Sunwest Inc., at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region IV-B.

Ito ang kauna-unahang kaso na ini-refer ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa gitna ng imbestigasyon sa flood control corruption issue.

Kinasuhan ang grupo dahil sa umano’y ₱289 million na ‘non-existent’ at substandard flood control project sa Mag-asawang Tubig River sa Naujan, Oriental Mindoro, isang road dike project na pinondohan sa ilalim ng 2024 national budget ng DPWH.

Ayon sa mga prosecutor, itinayo ng Sunwest Corporation na pagmamay-ari ng pamilya ni Co ang naturang ghost project na hindi talaga ginawa o sinimulan.

ADVERTISEMENT

Giit ni Assistant Ombudsman Mico Clavano, ito pa lamang ang unang batch ng mga kaso na iniha-hain at marami pang susunod.

Samantala, dahil sa pagha-hain ng kaso, maaari nang humiling ang Ombudsman ng pagkansela ng passport ni Co.

What do you feel about this article?