PoliticsLatest News

Magalong, naniniwalang dapat may makulong sa maanomalyang infra projects ng pamahalaan | News Light

Humarap sa grupo ng mga Kristiyano si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Martes, November 18, para sa annual leadership conference ng Fellowship of Christians in Government (FOCIG).

Jomar Villanueva · · 1 min read

Humarap sa grupo ng mga Kristiyano si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Martes, November 18, para sa annual leadership conference ng Fellowship of Christians in Government (FOCIG).

Dito sinabi ni Magalong na dapat nang kumalas ang mga Pilipino sa personality politics at huwag iasa sa mga politiko ang pagbabago ng bansa.

Paniniwala ni Magalong, dapat na may makulong sa mga sangkot sa maanomalyang government infrastructure projects.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na posibleng mapakulong na ang mga sangkot sa katiwalian sa Disyembre.

Mababatid na sinabi ng Pangulo noong November 13 na ‘walang Merry Christmas’ para sa mga sangkot sa korapsyon.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Magalong, dapat na may makulong pero mahirap din aniya ang proseso para tuluyang mapakulong ang mga sangkot.

Aabot aniya sa 240,000 perceived anomalies sa government infrastructures ang nakalap na ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) — 30,000 sa mga ito ay anomalya sa flood control projects.

Nananatiling katuwang ng ICI sa imbestigasyon nito si Magalong na nagsilbi noon bilang special adviser ng komisyon.

What do you feel about this article?