PoliticsLatest News

Korte Suprema, ibinasura ang hiling nina Sen. Dela Rosa at ex-president Duterte na ilabas ang umano’y ICC arrest warrant | News Light

Ibinasura ng Korte Suprema ang urgent petition nina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Duterte para pigilan ang Office of the Ombudsman na mailabas ang umano’y arrest…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Ibinasura ng Korte Suprema ang urgent petition nina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Duterte para pigilan ang Office of the Ombudsman na mailabas ang umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Matatandaang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may inilabas na umano’y warrant ang ICC laban kay Dela Rosa kaugnay ng kasong crimes against humanity dahil sa pagpapatupad ng war on drugs ng administrasyong Duterte.

Samantala, inutusan ng Korte Suprema ang mga respondent na opisyal ng pamahalaan na magkomento sa hiling ni Dela Rosa para sa hiling na temporary restraining order laban sa umano’y warrant of arrest.

What do you feel about this article?