
Naghatid ng kasiyahan sa mga residente ng Jalajala at Morong ang isinagawang YES Recycled Giant Christmas Tree Lighting ng kanilang LGU.
Sa Jalajala, itinayo ang Christmas tree gamit ang higit 30,000 PET bottles, sunflower at vegetable lanterns, at mga produktong dairy ng bayan.
Layunin ng proyekto na muling pagkunan ng gamit ang mga itinatapong materyales at gawing dekorasyong pampasko.
Sa Morong naman, tampok ang recycled Christmas tree na binuo mula sa soda cans, bottle caps, plastic cups, at ibaโt ibang uri ng basura.
Nilagyan din ito ng mga dekorasyong gumagamit ng lokal na diyalekto tulad ng โinrakโ at โsanrok sa ringring.โ
ADVERTISEMENT
Ayon sa mga organizer, layon ng proyekto na ipaalala sa publiko na may papel ang bawat isa sa pangangalaga ng kalikasan.
Samantala, taun-taun na itong ginagawa sa lalawigan kung saan binibigyang parangal ang LGU na may pinakamaganda at eco-friendly na Giant Christmas Tree.



