Good NewsLatest News

Filipino mountaineer, pasok sa Guinness World Record para sa record-breaking walk across the Philippines | News Light

Nakamit ng Pinoy mountaineer na si Lito de Veterbo, kilala bilang “Mr. Leave No Trace” o “Mr. LNT,” ang Guinness World Record para sa pinakamabilis na paglalakad sa kabuuan ng…

Dawn Pamulaya · · 1 min read

Nakamit ng Pinoy mountaineer na si Lito de Veterbo, kilala bilang “Mr. Leave No Trace” o “Mr. LNT,” ang Guinness World Record para sa pinakamabilis na paglalakad sa kabuuan ng Pilipinas.

Sinimulan niya ang kanyang journey noong Pebrero 9, 2025, sa Ilocos Norte at nagtapos noong Hulyo 6, 2025, sa Sarangani, matapos ang higit limang buwang paglakad mula hilaga hanggang timog.

Sa edad na 55, adbokasiyang niyang itaguyod ang responsableng paglalakbay at pangangalaga sa kalikasan.

Habang naglalakad ng 16 hanggang 18 kilometro kada araw, nagsagawa rin siya ng LNT workshops sa mga lugar na kanyang nadaanan.

ADVERTISEMENT

Iginiit niyang posible ang anumang layunin basta may paghahanda at disiplina.

Plano niyang magsagawa ng “victory walk” sa 2026 bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.

What do you feel about this article?