“Hindi dapat family matter ang pamumuno.”
Yan ang iginiit ni Akbayan Party-List Rep. Perci Cendaña hinggil sa alitan ng pamilyang Marcos sa pulitika.
Kaya naman muli itong nanawagan na agarang ipasa ang Comprehensive Anti-Political Dynasty Bill.
ADVERTISEMENT
Noong nakaraang linggo, inihain nina Cendaña at ng Independent Reform Bloc ang House Bill 5905 na layong pigilan sa pagtakbo sa pamahalaan ang mga kapamilya ng incumbent officials hanggang sa fourth degree of affinity o consanguinity.
Ayon kay Cendaña, dapat nang wakasan ang toxic family drama na nakakaapekto sa lagay ng bansa.
Yan din ang paniniwala ni Kabataan Party-List Rep. Renee Co.
ADVERTISEMENT
Giit nito, sinisira ng pagkagahaman ng mga Marcos hindi lamang ang kanilang pamilya kundi maging ang bawat pamilyang Pilipino.
Dagdag niya, hindi pamana ang anumang posisyon sa pamahalaan.
Ipinasa ng mga mambabatas ang panukala isang araw matapos magpahayag ng suporta si House Speaker Bojie Dy sa ganitong uri ng panukala.
ADVERTISEMENT

