DOLE, muling nagpaalala sa pagbibigay ng 13th month pay bago mag-Disyembre 24 | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Muling paalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga pribadong employer ang obligasyon nilang ibigay ang 13th month pay ng mga manggagawa bago sumapit ang Disyembre 24.

Ayon kay DOLE-BWC Director Alvin Curada, ilang ulit nang ipinahayag ni Secretary Bienvenido Laguesma mula pa noong Oktubre ang paalala sa mandatoryong pagbabayad ng benepisyo.

Pinaalalahanan din na lahat ng rank-and-file employees, anumang posisyon, status, o paraan ng pasahod, ay saklaw ng benepisyo, kabilang ang mga nag-resign, natanggal sa trabaho, o may maternity leave.

Maging ang mga manggagawang may fixed na sahod, piece-rate, o kombinasyon ng sahod at komisyon ay kwalipikado, basta’t batay sa kabuuang sahod ang tamang pagkukuwenta.

ADVERTISEMENT

Nilinaw naman ni Curada na tanging mga personal household workers at purong komisyon lang ang hindi sakop ng 13th month pay.