Exempted ang mga agriculture products ng Pilipinas sa 19% na taripa na ipinapataw ng United States of America.
Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Cristina Roque, magandang balita ito lalo na sa mga produktong agricultural na umaasa lamang sa malaking halaga na kikitain nito sa pag-eexport sa ibang bansa.
Ayon din kay Finance Secretary Frederick Go, ito ay executive order ng ni U.S. President Donald Trump kung saan ang mga agri-products ng U.S. na mahirap at wala talagang ma-produce ay mabibigay ng madali ng Pilipinas.
Batid pa ni Go, isa itong magandang balita sa ating bansa, partikular sa mga magsasaka.
ADVERTISEMENT
Dinagdagan din ang mga exempted na produkto tulad ng iba’t ibang products na gawa sa niyog, dried fruits, mga fruit juice, confectionery goods, at iba pa. (Austin Gonzaga/News Light)

