
Umani ng papuri online ang bagong PDL-made shoe cabinet ng Naic Municipal Jail sa Cavite dahil sa sobrang astig nitong design na inspired sa Nike at Jordan shoeboxes.
Ginawa ito mismo ng mga Person Deprived of Liberty (PDL) bilang bahagi ng kanilang livelihood at rehabilitation program para sa kanilang tuloy-tuloy na pagbabago.
Ayon sa netizens, mahusay ang pagkakagawa dahil bukod sa main purpose nito, hindi maikakaila na display worthy rin ito.



