
Patay ang isang pulis at sugatan ang tatlo pa matapos bumangga sa welcome arch sa Barangay Sampaloc, Pagsanjan, Laguna, kahapon.
Ang nasawing pulis ay kinilalang si Police Staff Sgt. Aldwin Jamilla, mula sa Pagsanjan Municipal Police Station.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi na si Jamilla sa istasyon nang may motorsiklo sa kanilang linya.
Para iwas-salpukan, kumaliwa siya ngunit bumangga sa arko.
Namatay ito habang ginagamot sa Uson General Hospital.
ADVERTISEMENT
Sugatan naman ang kasamahan nitong Police na sina Patrolman Jann Erwin Velarde, Patrolman Rustom Pacilona, at ang inmate na si Ivan Garcia, na dinala sa ospital sa Santa Cruz, Laguna, at ngayon’y nasa maayos nang kalagayan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.
