Kinastigo ng ilang kritiko ang mga naging pahayag ni Senador Imee Marcos sa Day 2 rally ng Iglesia ni Cristo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa civic org leader na si Dr. Antonio Goitia, malakas ang mga paratang ng presidential sister na gumagamit umano ng droga ang pangulo pero mahina naman ang basehan nito.
Dapat aniyang suportado ng test results, medical reports, o opisyal na dokumento ang paratang bago sinasabi sa publiko.
Taong 2021 nang magnegatibo sa cocaine ang pangulo sa isinagawang drug test sa kanya.



