DZJV Radyo CALABARZON

Men’s Day Celebration at 18-Day Campaign to End VAW, isinagawa sa Quezon

Bilang bahagi ng Men’s Day Celebration at 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), nagsagawa ng parade ang kalalakihan mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon, kaninang umaga. Nagsimula…

rasibag · · 1 min read
Photo courtesy of Quezon PIO

Bilang bahagi ng Men’s Day Celebration at 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW), nagsagawa ng parade ang kalalakihan mula sa iba’t ibang bayan sa Quezon, kaninang umaga.

Nagsimula ang parada sa Pacific Mall Parking Ground at nagtapos sa Quezon Convention Center, kung saan ginanap ang programa na naglalayong wakasan ang pang-aabuso sa kababaihan.

Ayon sa mga organizer, layunin ng aktibidad na itampok ang responsableng papel ng kalalakihan sa lipunan at itaguyod ang respeto at pantay na karapatan para sa kababaihan.

Kabilang din sa programa ang mga seminar, forum, at cultural performances upang palakasin ang kamalayan tungkol sa VAW at hikayatin ang mga kalalakihan na maging bahagi ng solusyon sa isyu ng karahasan sa kababaihan.

What do you feel about this article?