
Sinimulan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang dredging operations sa Biñan City, Laguna, bilang hakbang upang mabawasan ang pagbaha sa lungsod.
Pinuntahan ni Laguna Gov. Sol Aragones ang lugar ng dredging, partikular sa Brgy. Dela Paz at Brgy. Malaban, na patuloy na binabaha.
Ayon sa kanya, mahaba pa ang proseso bago tuluyang maresolba ang problema, ngunit positibo ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor para makahanap ng solusyon.

