PoliticsLatest News

VP Sara, iginiit na dapat panagutin si PBBM at dating House Speaker Martin Romualdez sa anomalya ng flood control | News Light

Pinanindigan ni Vice President Sara Duterte na dapat managot si dating House Speaker Martin Romualdez hinggil sa flood control scandal.

Newslight · · 1 min read

Pinanindigan ni Vice President Sara Duterte na dapat managot si dating House Speaker Martin Romualdez hinggil sa flood control scandal.

Ito ay matapos ang pahayag ni President Bongbong Marcos kahapon, na hindi pa umano ito kasama sa mga opisyal na haharap sa reklamo dahil sa korapsyon.

Ayon kay Duterte, ebidensiya na kaagad ang pagi-insert ng items ng Kongreso sa General Appropriations Act (GAA) na hindi kasama sa National Expenditure Program o ang panukalang pondo na sumasailalim sa pagsusuri at pagrerebisa.

Tinuturo din ng bise si Romualdez bilang pangunahing nag-utos sa pagdadagdag ng pondo ng GAA, pati na ang pagbubulsa nito ng budget na para sana sa school building program ng Department of Education (DepEd).

ADVERTISEMENT

Higit pa rito, dapat ring managot ang presidente dahil ito ang pumirma sa 2025 GAA para maisabatas. Aminin na raw nitong mayroon siyang pagkukulang at ipakulong ang kanyang sarili dahil sumumpa itong naaayon sa batas ang proseso ng nasabing budget – na nagdudawit sa kanya sa bawat anomalya. (Denniel Salayo/News Light)

What do you feel about this article?