Magdedeploy ang Philippine National Police (PNP) ng 16,433 na kapulisan nito sa darating na 3-day transparency rally ng Iglesia ni Cristo sa ika-16 hanggang ika-18 ng Nobyembre sa susunod na linggo.
Ayon kay acting PNP chief Lieutenant General Melencio Nartatez Jr., ang goal ng kapulisan ay magkaroon ng payapa, maayos, at kaligtasan para sa lahat.
Ang 16,433 na mga pulis ay ipapakalat sa EDSA People Power Monument, Rizal Park, na karaniwang pinupuntahan ng mga nagpoprotesta.
Naglabas naman ng statement ang INC sa pangunguna ni INC spokesperson Edwin Zabala na magsisimula ang kanilang kapatiran sa Quirino Grandstand at ang hangarin nila ay matapos ang pagkondena sa malaking kasakiman, at maging mapayapa at magkaroon ng transparency at hustisya sa bansa.
ADVERTISEMENT
Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa MMDA dahil inaasahan ang mabigat na trapiko sa mga nabanggit na lugar na pupuntahan ng mga magpoprotesta.


