Target ng Department of Health (DOH) na magsuri ng 12 milyong Pilipino kontra tuberculosis (TB) sa susunod na taon.
Sa bagong Philippine Strategic TB Elimination Plan (PhilSTEP 2) at Philippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis (PAAP-TB 2023-2035), hindi lamang 12 milyon na screening ang goal ng DOH, pati na rin ang pag-iwas sa TB at malawak na kaalaman ng paggamot sa nakamamatay na lung disease ay goal din nito sa susunod na taon.
Aabot naman sa ₱4.2 bilyon ang proposed 2026 budget ng DOH para sa programa kontra tuberculosis.
Umabot naman sa 192,733 na kaso ng TB ang nakalap ng DOH nitong first half ng 2025. (Austin Gonzaga/News Light)

