Umiwas na munang magkomento ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa mga ulat na may paparating nang arrest warrant mula sa International Criminal Court laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Gayunpaman, iginiit ng ahensya na handang-handa sila sakaling may ilalabas nang utos mula sa korte.
Naging usap-usapan kasi nang may inilabas nang arrest warrant para kay Senador Bato base sa mga naging pahayag ni Ombudsman sa isang panayam.
Iniuugnay si Senador Bato sa umano’y crimes against humanity sa war on drugs ng administrasyong Duterte.


