
Naaresto ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) ang tatlong lalaki dahil sa umano’y ilegal na pangingisda sa Marine Protected Area sa Barangay Malabrigo, Lobo, Batangas.
Nadikubre ang ilegal na gawain ng mga ito matapos makatanggap ng impormasyon ang awtoridad mula sa Bantay Dagat Lobo.
Huli sa akto ang mga suspek na gumagamit ng improvised air compressor sa pangingisda.
Dahil dito, nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code (RA 8550, na binago ng RA 10654) ang mga suspek.
ADVERTISEMENT
Samantala, ang mga nakuhang isda at gamit sa pangingisda, na nagkakahalaga ng P62, 700, ay inilipat sa Barangay Sawang ayon sa patakaran ng PCG at BFAR.

