DSWD, nagbigay ng P33.3-m tulong sa mga pamilya na apektado ng Bagyong Uwan sa CALABARZON

๐Ÿ“…
๐Ÿ‘ค Maricon Rodriguez  |  ๐Ÿ“‚ DZJV Radyo CALABARZON
Photo Courtesy: DSWD IV-A

Umabot sa P33.3 milyon ang tulong na naibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng Super Typhoon #UwanPH sa rehiyon hanggang kahapon, November 12, 2025.

Kabilang sa tulong ang 52,659 family food packs, ready-to-eat packs, at sleeping kits na ipinamamahagi sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan.

Umabot na sa 142,813 ang naitalang apektadong pamilya, kung saan 37,800 ang pansamantalang nananatili sa 1,430 evacuation centers.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga LGU para sa monitoring ng evacuation centers, mabilisang assessment ng pangangailangan, at tiyakin ang sapat na relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan.